ATM Hacking Bill, aprubado na ng Kamara

      No Comments on ATM Hacking Bill, aprubado na ng Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang batas hinggil sa pagpapatupad ng life imprisonment sa sinumang sangkot sa ATM at credit card hacking.

Ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone, ito umano ang sagot sa iba’t ibang kasong may kinalaman sa pagkawala ng pera ng mga card holders, kabilang na ang madalas mabiktima na mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kasama sa panukala ang pagdedeklara sa mga nasabing ATM at computer system hacking activities bilang walang piyansang kaso, pati na rin ang pagmumulta ng hindi bababa sa isa hanggang P5 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *