6 sundalo, sugatan sa engkuwentro sa Bukidnon

SUGATAN ang anim na sundalo nang maka engkuwentro ang hindi matukoy na bilang ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa Cawayan, Quezon, Bukidnon.

Isa sa mga sugatang sundalo ay nagtamo ng malubhang tama ng bala.

Ayon kay 4th Infantry Division, Philippine Army Commander Major General Ronald Villanueva, nangyari ang engkuwentro ng pabalik na ang tropa ng militar matapos ihatid ang mga bumubuo sa community support program ng gobyerno.

Samantala, tiniyak ni Villanueva na wawakasan na nila ang umano’y panlilinlang ng mga rebelde sa mga tao sa kanayunan.

Hinikayat din ng heneral ang mga rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan habang mainit pa ang pagtanggap sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Katunayan, nakipaghapunan si Duterte kasama ang mahigit dalawang daang mga dating rebelde sa Malakanyang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *