Pang. Duterte, tinanggap ang imbitasyon ng pamahalaan ng Kuwait na bumisita sa kanilang bansa

National News

KINUMPIRMA ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ng Kuwaiti Government na bumisita sa Kuwait sa susunod na buwan.

Ginawa ni Bello ang kumpirmasyon matapos ang pagpupulong nina Pangulong Duterte at Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh sa Malakanyang.

Sinabi ni Bello na target ng pangulo na malagdaan ang kasunduan na magbibigay ng dagdag proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Sa ngayon ay pinaplantsa na ng DOLE ang memorandum of agreement sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.

Kaugnay nito, tiniyak ni Ahmad na magbibigay ang Kuwait ng legal at moral protection sa mga OFWs na may reklamo o nagka-problema sa kanilang mga
employer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *