Bong Go, isisiwalat ang katotohanan sa frigate deal sa senate probe – Palasyo

National News

Pagkakataon na umano ni Special Assistant to President Christopher “Bong” Go ang pagdinig ng Senado mamaya para linawin ang pagkakadawit ng pangalan sa frigate deal ng Philippine Navy.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ilalahad ni Go ang lahat sa isang bukas at transparent na senate inquiry.

Ito ay upang ipakita ni Go na wala siyang itinatago maging ang administrasyon at handang sagutin ang lahat ng katanungan sa harap ng publiko.

Kaugnay nito, muling iginiit ni Roque na walang katotohanan at basehan ang mga alegasyon laban kay Go.

Sinabi ni Roque na panahon pa ng administrasyong Aquino naaprubahan ang Hyundai Heavy Industries (HHI) bilang supplier ng dalawang frigates, kasama ang boat supply, navigation, communications at combat management systems (cms).

Ayon kay Roque, fake news ang mga alegasyong ibinabato kay Go.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *