Rep. Lagman, naniniwalang hindi lubos na tutol ang Simbahang Katolika sa Divorce Bill

National News

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang Divorce Bill.

Pinamumunuan ni Albay Rep. Edcel Lagman ang binuong technical working group na tumatalakay sa naturang panukala.

Sa kabila nito, naniniwala si Lagman na hindi lubos na tutol ang simbahang katolika sa isinusulong sa Kamara na Divorce Bill.

Sinabi ni Lagman na aminado naman ang simbahan na mayroong tinatawag na “Canonical Nullification of Marraige.”

Ayon kay Lagman, ito ang inamin ng mga kinatawan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kabila ng pagtutol ng mga ito sa absolute divorce.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *