Ethics complaint laban kina Senador Panfilo Lacson at Antonio Trillanes IV, ibinasura

National News

Ibinasura ng Senate Committee on Ethics ang kasong inihain ni dating Customs Commissioner at Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator Nicanor Faeldon laban sa dalawang senador.

Kasunod ito ng mosyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na i-dismiss ang ethics complaints laban kay Senador Panfilo Lacson at Antonio Trillanes IV na sinegundahan ng iba pang miyembro ng komite.

Kaugnay ito ng mga alegasyon ng korapsyon sa Bureau of Customs (BOC) na umano’y kinasasangkutan ni Faeldon.

Bagama’t miyembro ng komite at naroon ay nag-inhibit si Lacson  sa pagpartisipa sa pagdinig sa kinakaharap na ethics complaint.

Ibinasura rin ng komite na pinamumunuan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang ethics complaint laban kay Senadora Leila de Lima ng Kamara.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y pagpigil ni De Lima na makadalo sa Kamara ang dati nitong driver at umano’y bagman na si Ronnie Dayan.

Unanimous naman ang naging boto ng komite ni Sotto sa kaso laban kay de Lima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *