HHI na contractor sa frigate, blacklisted sa South Korea

National News

Blacklisted sa pagpasok ng anumang kontrata sa South Korea ang contractor ng Philippine Navy frigate project.

Ito ang lumutang sa pagdinig ng Senado sa isyu ng frigate deal.

Sa naturang pagdinig, nalaman ni Senador Panfilo Lacson na may kinakaharap na kaso sa South Korea ang Hyundai Heavy Industries (HHI).

Paliwanag ng local representative ng HHI na si Sandra Han, hindi sila naabisuhan sa kaso at hindi rin nila obligasyon na ipaalam ito sa gobiyerno ng Pilipinas.

Gayunpaman, iginiit ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na kanila pa ring itutuloy ang proyekto dahil kinakailangan ito ng Philippine Navy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *