All-Star Game sa Staples Center sa Los Angeles, naging dikdikan ang laban

Sports

Naging dikdikan ang labanan ng Team Stephen at Team Lebron sa NBA All-Star Game sa Staples Center sa Los Angeles, USA.

Tinalo ng Team Lebron ang Team Stephen sa iskor na 148-145.

May tsansa pa sana ang Team Stephen na maitabla ang iskor sa nalalabing sampung segundo ng fourth quarter.

Gayunman, bantay sarado si Stephen Curry ng depensa nina Lebron James at Kevin Durant kaya’t nahirapan itong makaporma sa kanyang final shot.

Kumamada ng 29 points si James at nagdagdag ng 19 points si Durant para sa Team Lebron.

Sina Demar Derozan at Damian Lillard naman ang nanguna sa Team Stephen na nag-ambag ng tig-21 points.

Habang 19 points ang ginawa ni Joel Embiid, umiskor ng 15 points si Klay Thompson at 11 points ang kinamada ni Curry.

Hinirang naman si Lebron bilang 2018 NBA All-Star MVP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *