Walang direktang ebidensya vs Sec. Bong Go, ayon kay Sen. Honasan

National News

Walang napigang ebidensya ang senado para iugnay kay Special Assistant to the President Secretary “Bong” Go.

Ito ang inihayag ni Senate Committee on National Defense and Security Chairman Senador Gringo Honasan sa pagdinig ng Senado sa isyu ng frigate deal.

Sinabi ni Honasan na kung pagbabatayan ang mga narinig at nabasa niya ay wala pang matatawag na “link” kay Go ang pinasok na kasunduan.

Ayon kay Honasan, susuriin nilang maigi ang ibang data na ihaharap sa susunod na pagdinig.

Inakusahan naman ni Go na tutol sa modernisasyon ng militar ang mga nagdadawit sa kaniya sa nasabing deal.

Ito ay upang hindi umano umusad ang pagbili ng mga gamit na kailangan ng pamahalaan para protektahan ang mga karagatang sakop ng Pilipinas.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *