44 katao patay, sa nahulog na double decker bus sa Peru

International News

Sa Peru…

Patay ang nasa 44 katao sa pagkahulog ng isang pampasaherong double-decker bus sa bangin na may halos 100 metro taas sa katimugang bahagi ng Peru.

Ito ang kinumpirma ng Arequipa Governor Yamila Osorio.

Posible namang madagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil base sa ulat 45 ang pasahero ng nahulog na bus at nadagdagan pa ito ng mga sumasakay na pasahero sa kanilang ruta ayon sa operator nito na si Rey Latino.

Naganap naman ang insidente sa bahagi ng Pan-Americana Sur Highway sa Ocona District pasado 1:30 ng umaga.

Matatandaang noong Enero 2 nahulog din sa bangin ng Pasamayo Highway na sangay na daan ng Pan-American Highway ang isang bus na ikinamatay ng 52 katao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *