2/3 ng boto ng mga senador, kailangan para maimpeach si Sereno – Sen. Pimentel

National News

Boto ng labing anim na senador ang kailangan para ma-convict si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito’y ayon kay Senate President Koko Pimentel kapag umakyat ang impeachment complaint sa senado na tatayong impeachment court.

Nilinaw ni Pimentel na kasama si Senadora Leila de Lima sa mga boboto kahit ito ay kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center.

Sa ngayon ay may dalawampu’t tatlong senador kabilang na si de Lima.

Ayon kay Pimentel, kailangan lamang ang two-thirds o labing-anim na boto para ma-convict si Sereno.

Umaasa si Pimentel na isasantabi ng mga senador ang pulitika at magiging patas sa kanilang pagboto kung dapat o hindi i-convict si Sereno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *