CJ Sereno, wala ng babalikan sa Korte Suprema – Cong. Umali

National News

Tiniyak ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na wala na umanong babalikan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Supreme Court sakaling manalo pa ito sa senate impeachment court.

Sinabi ni Umali na kahit hindi ma-impeach si Sereno ay “divided” na Supreme Court naman ang babalikan nito.

Giit ni Umali na marami nang kumukuwestyon at sumalungat na mga associate justices sa liderato ni Sereno.

Binigyang diin pa ni Umali na magiging kawawa lamang daw ang Pilipinas sakaling magpatuloy ang ganitong sitwasyon.

Epektibo naman ngayong araw ng Marso a-uno ang inihaing “indefinite” leave ni Sereno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *