Engrandeng pagsalubong sa Fire Prevention Month, pinangunahan ng BFP

Metro News

Ulat ni Pol Montibon

Umalingawngaw ang tunog ng serena mula sa mga fire trucks at ambulansiya, hudyat ito ng kahandaan ng Bureau of Fire Protection sakaling dumating ng iba’t ibang uri ng kalamidad partikular na sa lindol at sunog.

Mula dito, pinangunahan mismo ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection ang aktibidad bilang paggunita sa Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.

Sa nasabing aktibidad ay ipinakita ng ahensiya ang pagiging handa sakaling dumating ang 7.2 na lindol sa bansa.

Ipinakita din ang iba’t ibang paraan ng pagresponde sa mga biktima ng sunog, lindol o iba pang klaseng sakuna.

Nag-briefing muna sa mga tauhan ang kanilang incident commander bago sumuong sa isang kunwaring nasusunog na gusali.

Kailangan mabilis makuha ang mga biktima at mabigyan ng agad na lunas hanggang sa madala sa ospital.

Sa loob ng 30 segundo ay dapat makatugon na agad ang isang team sa sitwasyon gaya ng sunog matapos makuha ang tawag.

Pagkatapos nito ay isang accounting naman ang gagawin ng incident commander kung kumpleto pa ang bilang ng kanilang rescue teams.

Ayon kay Director Leonard Banago, chief ng BFP, may pondo naman daw ang gobyerno para dito, ang problema aniya ay matagal ang ginagawang proseso ng bidding sa mga yunit na bibilihin para sa mga wala pang firetruck.

Hindi din matukoy ng pamunuan ng BFP kung kailan mapupunan ng pamahalaan ang kakulangan sa mga firetruck pero tiniyak nito na may sapat silang paghahanda dito.

Paalala din ng BFP na maging mapagmatyag, makialam at sundin ang mga paalala at pag-iingat na ibinibigay ng BFP sa lahat ng lokal na pamahalaan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *