Palasyo, dumistansiya sa en banc statement ng mga mahistrado laban kay Sereno

Ulat ni Hannah Jane Sancho

Walang kinalaman ang Malakanyang sa impeachment proceedings ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara at ang nagkakaisang pahayag ng mga mahistrado kaugnay sa indefinite leave ng punong mahistrado.

Ito ang binigyang din ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing sa Malakanyang.

Apela ni Roque sa kampo ni Sereno na huwag ituro ang Malakanyang sa mga nangyayari laban sa chief justice dahil mismong mga kasama nito sa hudikatura ang siyang nariringgan ng publiko ng kanilang reklamo laban sa chief justice.

Naglabas kasi ng en banc statement na nilagdaan ng labingtatlong mahistrado na nagsasaad na indefinite leave ang inihain ni Sereno at hindi wellness leave na siyang sinasabi ng kampo ni Sereno.

Umaasa naman ang Palasyo na ang pamamahinga ng chief justice sa ngayon ay magbigay daan para makapag-isip ito ng mabuti sa mga susunod nitong hakbang dahil na rin sa kredibilidad at istabilidad ng institusyon na kaniyang pinamumunuan ang nakasalalay.

Sa susunod na linggo ay magbobotohan ang House Committee on Justice kaugnay sa probable cause ng impeachment case ni Sereno saka ito magpapadala ng committee report sa plenaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *