Planong pansamantalang pagsasara sa Boracay, tinutulan ni Sen. Villar

Regional

Mariing tinutulan ni senador Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Environment and Natural Resources ang panukalang pagsasara sa isla ng Boracay.

Suhestiyon ng senadora, maaaring ipasara na lamang ang mga business establishment na hindi sumusunod sa environment law.

Aniya, maaari namang manatiling bukas ang mga nagko-comply sa batas.

Pinangunahan naman ni Villar ang isinagawang ocular inspection sa Boracay para sa isasagawang pagdinig dito ng senado.

Matatandaan na una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara ang isla dahil sa nagiging madumi na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *