Billy at Coleen, humingi ng dispensa sa viral prenup photo nila sa Ethiopia

Showbiz

Iginiit ng soon to be husband and wife na sina Billy Crawford at Coleen Garcia na wala silang intensyon na maging culturally insensitive ang kanilang prenup photo sa Ethiopia.

Gayunpaman ay naunawaan nina Billy at Coleen ang mga reaksyon ng netizens at humingi na rin ang mga ito ng dispensa sa pangyayari

Naging viral sa social media ang destination photo shoot nina Billy at Coleen matapos na mapasama sa kanilang picture ang mga batang at babaeng Ethiopian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *