Ex-PNP Chief Purisima, hiniling sa Sandiganbayan na makabiyahe sa Amerika

National News

Naghain ng petisyon sa Sandiganbayan si dating PNP Chief Alan Purisima na payagan siyang makabiyahe patungong Amerika mula Abril a-bente tres hanggang Mayo a-nuwebe.

Sa kaniyang mosyon, sinabi ni Purisima na nakatakda siyang pumunta sa Mississippi, United States para dumalo sa 2018 National Book of the Play at Annual Meeting of the Royal Order of Jesters.

Ayon sa dating PNP chief, siya ang nahalal ng Manila Court 198 bilang kinatawan ng bansa sa nasabing pagpupulong.

Nangako si Purisima na kanyang susundin ang kondisyon ng korte at hindi tatakasan ang kanyang mga kaso sa pag-alis ng bansa.

Si Purisima ay nahaharap sa kasong perjury dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang halaga ng kanyang mga ari-arian sa kanyang SALN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *