Openfield concert ni Pastor Apollo sa Davao City, dinumog ng libo-libong katao

National News

Isang araw bago ang Openfield Thanksgiving and Worship Presentation ay puspusan na ang ginawang paghahanda ng mga kingdom citizens, para sa gagawing pagtitipon.

Bilang hands on leader, personal na pinangasiwaan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang nasabing paghahanda.

Maaga pa lang ay nagsidatingan na ang mga kingdom citizens na sabik na makasama at makita ulit si Pastor Apollo.

Siksikan na rin agad ang inilaan na parking space sa compound, kaya’t umabot na sa mataas na linya sa kalsada ang mga sasakyan ng mga nagsipagdalo sa pagtitipon.

Ilang sandali pa ay napuno na ng libo-libong tao ang KJC Openfield na nabalot ng saya, habang isang presentasyon naman ang hatid ng mga kabataan mula sa Kingdom Children Growth School.

Pinangunahan naman ng Kingdom Musicians ang pagpupuri sa amang makapangyarihan sa pamamagitan ng makalangit na awitin bilang pasasalamat sa mga pagpapala na kanilang natanggap, at sa pribilehiyong makasama ulit ng personal ang hinirang na anak ng diyos.

Samantala, bukod sa mga kingdom citizens ay nagsipagdalo rin sa naturang pagtitipon ang mga masusugid na tagapanood at tagasubaybay ng mga programa ni Pastor Apollo, nariyan rin ang mga walk-in visitors at covenant partners na nakiisa rin sa pagpupuri sa Ama.

Bukod sa mga bisita ay dumalo rin sa espesyal na Openfield Thanksgiving and Worship Presentation of The Kingdom of Jesus Christ ang mga kaibigan at taga-suporta ng kongregasyon.

At ang pinakahihintay ng lahat ay ang makapakinig ng mga preskong salita ng Amang Makapangyarihan sa pamamagitan ng kanyang Hinirang na Anak.

Tunay ngang wala nang makakapigil pa sa paglago ng bansang kaharian dito sa lupa at sa patuloy na pagdami ng mga anak ng Ama sa pamamagitan ng mga mensahe ng hinirang na Anak ng Diyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *