Panahon ng tag-init, posibleng ideklara na ng PAGASA

National News

Posibleng ideklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang summer season sa kalagitnaan ng kasalukuyang buwan ng Marso.

Kasunod ito ng nararanasang mainit na panahon nitong nagdaang mga araw.

Ayon sa PAGASA, asahan na mas magiging mainit na uli sa buong bansa simula bukas araw ng Martes.

Paliwanag ni Aldczar Aurelio ng PAGASA, posibleng ngayong araw na lamang mararamdaman ang northeast monsoon o hanging amihan na nagdudulot ng malamig na temperatura.

Hudyat umano ito na simula na ang tag-init na karaniwang opisyal na idinideklara sa kalagitnaan ng Marso.
niwang opisyal na idinideklara sa kalagitnaan ng Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *