Taas-singil sa kuryente, ipatutupad ng MERALCO ngayong buwan

Metro News

Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na may dag singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso.

P0.85 kilowatt per hour ang itataas sa singil sa kuryente.

Paliwanag ng MERALCO, dapat ay nobenta’y siyete sentimos kada kilowatt hour ang itataas sa singil ngayong buwan.

Pero para hindi umano maging mabigat sa mga konsyumer, ang dose sentimos na dagdag ay sa Abril na ipatutupad.

Ayon sa MERALCO, madadagdagan ng 170 pesos ang bayarin ng mga kumukunsomo ng 200 kilowatt hour kada buwan habang 425 pesos naman sa kumu-kunsumo ng 500 kilowatt hour.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *