4 umanong tulak ng shabu, arestado sa buy-bust operation sa Tondo Ulat ni: Mike Almonte

Metro Manila

Ulat ni: Mike Almonte

Timbog ang apat na umano’y drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Pilar St. Tondo Maynila.

Target ng operasyon si Michael Addenbroke na nabilhan ng operatiba ng P1000 halaga ng shabu.

Nang magkaabutan na ng pera at item ay inaresto na siya at hinuli rin ang mga kasamahan niya na sina Chanda Del Rosario, Gavino Sapiendante, at Gilbert Pansaon na ayon sa mga pulis ay nakuhanan din ng mga sachet ng iligal na droga.

Nagkakahalaga ng P80,000 ang 12 sachet ng shabu na nakumpiska.

Ayon kay Police Senior Inspector Ness Vargas, ang hepe ng Abad Santos Police SDEU, nasa drugs watchlist ang apat na suspek.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *