500 nurses, ipakakalat sa mga barangay at eskwelahan na may biktima ng Dengvaxia vaccine

National News

Magpapakalat ngayon ang pamunuan ng Department of Health ng aabot sa limandaang nurses sa mga lugar, barangay at eskwelahan na may biktima ng Dengvaxia vaccine.

Ayon sa DOH, itoy bahagi lamang ng mga remedyo na maaaring gawin ng pamahalaan upang unti unting matugunan ang pangangailangan ng mga batang naturukan ng nasabing bakuna.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, aabot sa limandaang nurses ang magsisilbing monitoring o surveillance officers para matiyak na matutugunan ang pangangailangan ng mga kaanak ng mga umano’y biktima ng nakamamatay na bakuna.

Sa huling pagdinig ay sabay na ring nakiusap ang mga opisyal ng DOH na makipagtulungan din ang mga magulang sa kagawaran kaugnay sa mga di maayos na pagtanggap ng mga ospital sa mga biktima at sa halip ay binabalewala pa ang mga ito.

Kabilang sa mga lalagyan ng surveillance officer ang Regions 3, 4, Cebu at Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *