Halos 50 katao, patay sa plane crash sa Nepal

International News

Umabot sa 50 katao ang patay matapos bumagsak at nasunog ang isang eroplano sa Kathmandu airport.

Bago ang insidente, namataan ang eroplano na lumanding sa maling direksyon sa runway ng airport.

Sa halip na sa timog na bahagi ng runway dapat lumapag ang eroplano ay lumihis ito at bumagsak sa hilagang bahagi.

Agad namang narescue at naisugod ang 22 survivors ng flight BS 211 na pagmamay-ari nang US Bangla Airlines.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang posibleng dahilan ng pagbagsak at pagkasunog ng eroplano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *