Articles of impeachment laban kay CJ Sereno, maisasapinal na bago ang Lenten break

National News

Ulat ni: MJ Mondejar

Tiniyak ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali na maisasapinal na ang nilulutong articles of impeachment laban kay chief justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Umali, hindi nagkasundo ang komite sa lalamanin ng articles of impeachment kaya’t nagpasya silang iurong na lamang sa susunod na linggo ang presentasyon nito.

Ani Umali, maaaring sa araw ng Lunes o Martes ay mapapagbobotohan na sa komite ang pinal na articles of impeachment saka nila ito iaakyat sa plenaryo sa pamamagitan ng Committee on Rules.

Ang mga isyu sa Statements of Assets Liabilities and Networth o SALN, magarang pamumuhay, ang kwestyunableng pagbili ng over priced na Toyota land cruiser at ang tax evation at corruption issues ang posibleng mailagay sa articles of impeachment.

Hindi naman kabilang ang psychiatric evaluation kay Sereno sa articles subalit gagawin itong basehan sa mga paglabag na nagawa ng punong mahistrado sa SC.

Posibleng sa adjournment pa mula sa Lenten break ng kamara sa buwan ng Mayo mapagbobotohan sa plenaryo ang articles of impeachment bago ito maipasa sa senado bilang impeachment court.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *