Dating abogado ni Corona, inaming mas malaki ang kinakaharap na kaso ni CJ Sereno

National News

Nagpahayag ang abogadong dumepensa sa impeachment trial ng pumanaw ng noo’y punong mahistrado na si Renato Corona noong 2012 na mas malaki umano ang kinakaharap na kaso ngayon ni chief justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Atty. Ramon Esguerra, ang hindi pag-file ni Sereno ng SALN nito ay mas mabigat na kaso kumpara sa maling pagdedeklara ni Corona sa kanyang yaman noong siya pa ang nakaupo sa puwesto.

Bilang pagtalima sa Article Xi, Section 17 ng 1987 Constitution at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, kinakailangan magdeklara ang mga nagseserbisyo sa bayan ng kanilang mga SALN.

Sa huli, ipinangako naman ni Sereno na handa itong harapin ang lahat ng isyu na ibabato sa kanya sa nalalapit nitong  pagdinig sa senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *