Dating Pangulong Aquino, posibleng maharap sa kasong murder at wreckless imprudence dahil sa Dengvaxia vaccine

National News

Kung si Senator Richard Gordon lang ang tatanungin, agad na irirekomenda nito ang mga kasong murder, at wreckless imprudence resulting to homicide laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

 Giit ni Gordon, walang iba ang dapat na managot sa problemang kinakaharap ngayon ng mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

 Ani Gordon hindi magagawang desisyunang mag-isa ni dating Health Sec. Janette Garin nang walang pahintulot sa nakatataas nito, walang iba kundi si dating Pangulong Aquino.

 Maliban dito, iginiit din ni Gordon ang kwestiyunableng pagbili ng bakuna na sobra-sobra ang halaga na hindi manlang aniya dumaan sa tamang procurement.

 Agad na ilalagay ni Senador Gordon ng mungkahi nitong sampahan ng kasong murder at wreckless imprudence ang dating pangulo sa gagawing committee report sa susunod na mga araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *