Gobyerno, nagkamali umano sa mass immunization ng Dengvaxia

National News

Nagkamali ang gobyerno na suriing mabuti ang Dengvaxia bago ibigay ang mass immunization.

Ito ang iginiit ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kontrobersyal na Dengvaxia.

Sinabi ni Gordon na nagkamali ang pamahalaan dahil may responsibilidad sila at ang Sanofi Pasteur bago ibigay ang mass vaccination.

Tinukoy ng senador ang kakulangan ng impormasyon sa mga magulang ng mga batang nabigyan ng dengue vaccine.

Aniya, karapatan ng mga magulang na malaman kung ano ang mga panganib ng bakuna at hingin ang kanilang permiso kung ayaw o gusto nilang pabakunahan ang kanilang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *