Line-up ng Magnolia Hotshots, kulang

Sports

Hindi na makakapaglaro ang Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris sa buong PBA Philippine Cup at maging sa buong season ng liga.

Ito ay matapos na magtamo ng anterior cruciate ligament o ACL injury ang veteran forward na si Pingris.

Nitong Lunes, lumabas ang impormasyon ilang oras bago ang Game Two ng PBA Philippine Cup Semifinal Playoff laban sa NLEX.

Kinumpirma naman ito ni team governor Rene Pardo matapos nakita ang result ng MRI test ni Pingris.

Sa ngayon ang 35 taong gulang na si Pingris ay nagpapahinga sa kanilang bahay at hindi muna makakapaglaro sa loob ng anim hanggang walong buwan.

Samantala, hindi lang si Pingris ang may masamang kondisyon sa koponan ng Magnolia kundi pati rin si Justine Melton.

Sa ngayon ay araw-araw tinitignan ang kondisyon ni Melton pero hindi naman umano ito kasing lubha ng kalagayan ni Pingris.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *