Manila City Health Department, nanawagan sa publiko na iwasang maligo sa Manila Bay

Metro News

Ulat ni Mike Almonte

Nanawagan ang Manila City Health Department (MCHD) sa publiko na iwasang maligo sa Manila Bay upang makaiwas sa maraming sakit na maidudulot ng maruming tubig sa dagat.

Ayon kay Dr. Benjamin Yson head ng MCHD, katuwang nila ang Department of Environmental and Natural Resources o DENR, na nananawagan na huwag maligo sa Manila Bay dahil ito’y punong-puno ng bacteria na maaring mapagkunan ng maraming sakit.

Hinikayat ni Dr. Yson ang publiko na magtungo na lamang sa public swimming pools sa Dapitan Sports Complex, Paraiso ng Batang Manila, Andalucia Sports Complex, Tondo Sports Complex, Jacinto Citia Cruz Sports Complex.

Ang mga nabanggit na swimming pool ay libreng paliguan at ligtas pa sa kalusugan.

Nagtalaga naman ng mga pulis na magbabantay sa BayWalk upang sawayin at pagbawalan ang mga gustong maligo sa maruming tubig ng Manila Bay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *