Mga posibleng miyembro ng private prosecution panel sa impeachment trial laban kay CJ Sereno, pinangalanan na

National News

Ulat ni: MJ Mondejar

Pinangalanan na ni House Committee on Justice Chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang ilan sa mga abogado na posibleng maging bahagi ng private prosecution panel sa nakaambang impeachment trial laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kabilang dito sina Atty. Biboy Malaya, Atty. Tranquil Salvador, at Atty. Denis Manalo.

Sina Malaya at Salvador ay kabilang sa prosecution at defense panel sa Corona impeachment.

Samantala, nagpahayag naman daw ng kahandaan si dating Senate President Juan Ponce Enrile na dating presiding officer sa Corona impeachment na mapabilang sa private prosecution team.

Nilinaw naman ni Umali na pro-bono at voluntary ang pagsama ng mga nabanggit na abogado sa Sereno impeachment.

Sa huli ay naniniwala si Umali sa kakayanan ng mga abogadong kanyang pinangalanan para magkaroon ng patas na paglilitis laban sa kasalukuyang chief justice.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *