NYC Chair Aiza Seguerra, nagbitaw na sa pwesto

National News

Aiza Seguerra, nagbitiw na bilang chairperson ng NYC nasa Office of the Executive Secretary na ang resignation letter ni National Youth Commission (NYC) Chairperson Aiza Seguerra.

Ito ay kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan wala pang tugon dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mga ulat, personal reason ang dahilan ng pagbitiw sa pwesto ni seguerra na kilalang tapat na taga-suporta ng pangulo.

Tatapusin na lamang ni Seguerra ang kanyang panunungkulan hanggang Abril bagama’t nitong unang linggo pa ng Marso ito nagbitiw.

Matatandaang itinalaga ni Duterte si Seguerra sa NYC noong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *