PNP-CIDG, nagkulang sa dismissal ng kaso nina Peter Lim at Kerwin Espinosa

National News

Ulat ni MJ Mondejar

Direktang pinatamaan ni Ozamiz City Chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido ang pagkukulang ng PNP-CIDG sa paghahanap ng ebidensya para idiin sa kaso ang hinihinalang drug lords na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa.

Ayon kay Espenido, kung nakapagbigay lamang sana ng sapat na ebidensya ang PNP-CIDG, hindi pa sana naabswelto sina Espinosa, Lim at ibang mga kasama nito na paglabag sa ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Magugunita na inabswelto ng National Prosecution Service o NPS sina Lim, Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Sa ngayon, ay patuloy ang pagdinig sa regional trial court sa hiwalay na kasong isampa ni Espenido laban kay Kerwin.

Matantandaan na si Espenido ang dating chief of police ng Albuera Leyte noong 2016 ng mahulihan ng mga baril at bala ang napaslang na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., na siyang ama naman ni Kerwin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *