Presyo ng mga produktong petrolyo, magro-rollback bukas

National News

Matapos ang ilang sunod na oil price hike, muling magpapatupad ng bawas-presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula bukas.

Trenta y singko sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Singkwenta’y singko sentimos sa kada litro ng diesel habang uno at bente sentimos sa kada litro ng kerosene.

Ang naturang oil price rollback ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *