Witness sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Christopher Lozada, hawak na ng Task Force on Media Security

Regional

Nasa poder na ng Presidential Task Force on Media Security ang witness na magdidiin sa suspek sa pagpatay sa mamamahayag sa Surigao del Sur na si Christopher Lozada.

Ito ang ibinahagi ni Usec. Joel Egco ng PTFMS sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay Egco nakita mismo ng testigo kung sino ang bumaril sa mamamahayag na kinilala bilang si Rolly Mahilum ang driver ng alkalde ng Bislig, Surigao del Sur

Sasampahan naman sa lalong madaling panahon si Mahilum ayon kay Egco.

Batay sa nakalap na imbestigasyon ng Task Force on Media Security nagtatago na sa mga awtoridad si Mahilum dahil sa paglabag noon sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nagbigay naman ng katiyakan si Egco na kanilang bibigyan ng security detail ang testigo para mapangalagaan ang kaligtasan nito.

Magugunitang noong Oktubre nang nakaraang taon ng mapaulat na binaril si Lozada sa Barangay Coleta, Bislig City.

Si Lozada ay isang radio broadcaster na umanoy nakatatanggap ng death threats mula kay Bislig Mayor Librado Navarro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *