P30-M halaga ng smuggled luxury cars, winasak sa Port Irene

National News

Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsira sa mga smuggled luxury cars na nasabat sa Port Irene, Sta. Ana, Cagayan.

Nasa tatlumpung milyong piso ang halaga ng labing apat na luxury cars na winasak gamit ang bulldozer.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi uubra ang dating gawain na pandaraya sa buwis ng mga smuggler.

Muling nagbabala ang pangulo na patuloy niyang sisirain ang mga mamahaling sasakyan na pumapasok sa bansa na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ito na ang pangalawang pagkakataon ng pagsira sa mga smuggled luxury cars na nauna nang ginawa ng Bureau of Customs (BOC) sa pier ng Cebu, Manila at Davao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *