Pagsasailalim sa state of calamity sa Isla ng Boracay, posibleng ideklara ngayong buwan

Regional

 

Posibleng ideklara ang state of calamity sa Boracay Island bago o matapos ang Semana Santa.

Ito ang sinabi ni Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre.

Ayon kay Alegre, kada araw ay nakakadiskubre sila ng mga bagong problema sa isla.

Dagdag ni Alegre na dedesisyunan naman aniya ng mga opisyal ng pamahalaan kung kailan ipatutupad ang shutdown sa hotel at resort bookings para sa mga turista matapos ideklara ang state of calamity sa isla.

Nangangahulugan aniya ito na kapag ipinatupad ang nasabing shutdown ay wala munang bibisitang turista sa Boracay para maresolba ang mga isyung pangkapaligiran sa isla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *