Palestinian Prime Minister ng Gaza, nakaligtas sa assassination attempt

International News

Nakaligtas si Palestinian Prime Minister Rami Hamdallah sa assassination attempt sa Gaza.

Ito’y matapos na makaiwas mula sa pagsabog ng isang roadside bomb na target ang motorcade ng nasabing opisyal  na  ikinapinsala naman ng kanyang anim na security guard.

Nabigo namang sumabog ang pangalawang bomba.

Ayon sa Palestinian Authority Security Officials, walang grupo na umamin sa responsibilidad ng nasabing pagsabog.

Tiningnan ng mga otoridad ang anggulo ng pag-atake bilang pagtangkang mahadlangan ang implementasyon ng unity agreement na nilagdaan nakaraang Oktubre na pinangunahan ng prime minister.

Ilang minuto matapos ang pagsabog ay naihatid ng prime minister ang kanyang talumpati sa isinagawang inagurasyon ng internationally-funded wastewater treatment plant sa Gaza at nangako itong ipagpatuloy ang layunin nito sa Palestinian unity.

Maglulunsad naman ang mga otoridad ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *