“Delicate” ni Taylor Swift, copycat? 

Showbiz

Isang copycat ang latest music video ng pop singer na si Taylor Swift na “Delicate”.

Mula sa lugar, concept at dance moves ay parehong pareho ito sa Kenzo perfume advertisement na lumabas last year.

Sa Kenzo commercial, makikita ang isang babae na looking bored sa loob ng black tie function room sa isang hotel at ng lumabas doon ang babae mula sa nasabing room ay nagsasayaw na ito.

Sa music video naman ng pop singer ay mapapapansin na nasa hotel din si Taylor para sa isang red carpet event at bigla ring nagsasayaw sa loob matapos itong maging invisible sa red carpet.

Ayon sa mga fans, wala ring kalayuan ang kulay ng damit na suot ni Taylor sa suot ng babae na nasa Kenzo commercial. Pareho din daw color green ang suot ng dalawa.

Parehas na parehas din ang style ng pagsasayaw at maging ang ilang facial expressions ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *