HIV virus sa bansa, hindi na tinatablan ng gamot

Health

Nababahala ang Department of Health sa pagkalat ng HIV virus na puwedeng pumatay sa biktima sa loob lang ng limang taon.

Sa tala ng DOH, sampung porsyento ng limandaang HIV patients ay hindi na tinatablan ng gamot.

Ito ay dahil naging drug resistant na umano ang HIV virus na nagiging full-blown HIV-AIDS sa loob lamang ng limang taon.

Sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, nagiging drug resistant ang virus dahil hindi tuloy-tuloy ang pag-inom ng gamot ng mga pasyente.

Ayon sa DOH, 75 percent sa mga HIV positive ang may subtype A-E habang 25 percent ang subtype B.

Aniya, ang subtype A-E ang mas agresibo na posibleng maging AIDS sa loob lamang ng limang taon na malaking problema dahil ang available HIV treatment sa bansa ay para sa subtype B.

Tiniyak naman ng DOH na patuloy ang kanilang paghahanap ng mga bagong paraan para sa HIV treatment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *