Pang. Duterte, pinakiusapang huwag magtago sa ICC 

National News

Ulat ni Pol Montibon

Naniniwala si Senator Risa Hontiveros na isang pagtatakip ang ginagawa ngayon ng Pangulong Duterte sa mga kasong isinampa laban sa kaniya sa International Criminal Court.

Bagay na naging dahilan aniya upang desisyunang kumalas na lang ang Pilipinas sa pagiging bahagi ng Rome of Statute Treaty.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersiyal si Pangulong Duterte sa international scene nang tutukan nito ang malalang problema ng iligal na droga sa bansa kasabay na rin ito ang mga di maipaliwanag na bilang ng mga namamatay mula nang ipatupad ang Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel ng pamahalaan.

Nauna na rin ipinagmalaki ng pamahalaan na nakatulong ang anti-illegal drug campaign upang malaman ang lawak ng problema ng illegal drug activities sa bansa.

Pero ayon kay Senador Hontiveros, may pananagutan pa rin ang pangulo sa nasabing usapin at bahala na rito ang International Criminal Court.

Samantala, patuloy naman ang pagdami ng suporta ni Pangulong Duterte sa senado matapos itong magdesisyon na kumalas na sa treaty na kinabibilangan nina Senate President Koko Pimentel, Senator Tito Sotto, Ping Lacson, Manny Pacquiao at marami pang iba.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian tila sumusobra na aniya sa saklaw ang kasunduan na ito dahil sa panghihimasok nito sa mga internal na usapin ng bansa lalo na sa isyung politikal.

Giit ni Gatchalian may sariling polisiya ang Pilipinas kung paano nito paiiralin at hindi maaaring makialam ang ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *