Pasay City Prosecutors’ Office, pinakakasuhan si Sen. Trillanes

National News

Inirekomenda ng Pasay City Prosecutors’ Office na kasuhan ng inciting to sedition si Senador Antonio Trillanes IV

Ayon sa City Prosecutors’ Office, may probable cause ang inihaing reklamo laban kay Trillanes nina dating congressman at ngayo’y labor Usec. Jing Paras, dating Cong. Glenn Choang at Atty. Manuelito Luna noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Ito ay may kaugnayan sa privilage speech ng mambabatas kung saan sinabi nitong dapat gamitan ng m60 machine gun ang pangulo dahil sa kanya umanong mga tagong-yaman.

Inirekumenda rin ng prosecutors’ office na walang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Trillanes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *