Anak ni Dolphy na si Rolly Quizon pumanaw na

Showbiz

Pumanaw na ang dating aktor na si Rolly Quizon, anak ng Comedy King na si Dolphy kahapon ng hapon marso a-kinse.

Nakaraang linggo lamang marso a-nuebe ay nahilo at natumba si Rolly sa isang supermarket sa Quezon City.

Isinugod ito sa Capitol Medical Center at sumailalim sa surgery ngunit simula noon ay hindi na ito nagkamalay.

Una nang pumanaw ang isa pang anak ni Dolphy na si Dino Quizon, half-brother ni Rolly na nakabase sa Amerika, isang linggo lamang ang nakararaan bago ang pagkamatay ng aktor.

Naging kabahagi si Rolly sa sitcom na John en Marsha noong 1973 na pinagbibidahan nina Dolphy at Nida Blanca.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *