Bagong footbridge sa Miami Florida, gumuho

International News

Isang bagong footbridge ang gumuho malapit sa Florida International University Huwebes ng hapon local time ng Miami Florida.

Tinatayang hindi bababa sa sampung katao at limang mga sasakyan ang naipit sa naturang pagbasak ng tulay at may ilang katao umano ang hinihinalang nasawi sa insidente.

Ang nasabing bagong cable-supported swinging bridge na may 174 ft. (53metro) ang haba at may 950 toneladang bigat ay ikinabit nito lamang nakaraang Sabado.

Nakatakda sana itong buksan sa publiko sa unang bahagi ng taong 2019.

Ito ay may halaga ng $14.2-M na pinondohan ng US Department of Transportation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *