Dating PNP chief Purisima, naghain ng not guilty plea sa Sandiganbayan

National News

Naghain ng not guilty plea si dating PNP Chief Director General Alan Purisima sa kasong perjury sa Sandiganbayan.

Ito ay kaugnay sa umano’y bigong pagdedeklara ni Purisima ng mga ari-arian sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Pinayagan naman ng second division ng anti-graft court ang hirit ni Purisima na makabiyahe patungong Amerika mula Abril a-bente tres hanggang Mayo a-nuwebe para sa fraternal organization meeting at bisitahin ang kanyang pamilya doon.

Ipinag-utos din kay Purisima ang pagbabayad ng siyamnapu’t anim na libong travel bond.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *