DOH, nais pawalan ng bisa ang lisensya ng mga pasaway na ospital

Nagbigay babala ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na tumatanggi sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang lunas o paggagamot.

Ito ay matapos na makatanggap ang doh ng ulat na ilang mga ospital ang probinsya ng Cavite na tinatanggihan ang mga isinusugod na pasyente kabilang na ang mga batang naturukan ng dengvaxia dengue vaccine.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, sakaling mapatunayan nila ang ulat na kanilang natanggap ay hindi sila mag-aatubiling ipasara ang mga ospital.

Mahaharap sa revocation of license to operate at mawawala din ang accreditation ng mga ito mula sa Philhealth.

Giit ni Duque, hindi dapat tanggihan ng mga ospital ang mga pasyente at tiyakin munang mapatatag ang kondisyon ng mga ito bago ilipat sa ibang ospital kung sakali wala nang silid na matuluyan ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *