Harry Roque, kinondena kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC

National News

Kinondena ng ilang kongresista mula sa oposisyon si Presidential Spokesman Harry Roque sa pagbaliktad nito kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Sinabi nina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Akbayan Party-List Rep. Tom Villarin, nag-iba ang pananaw ni Roque na dating masigasig sa pagtulak noon na maging miyembro ng ICC ang Pilipinas.

Makikita raw sa blog ni Roque noong 2011 ang todo pasasalamat nito sa senado at kay dating Pangulong Noynoy Aquino nang maisama ang Pilipinas sa ICC.

Naniniwala si Villarin na ang pagbaligtad ni Roque ay dahil sa ambisyon nito.

Ayon naman kay Baguilat, hindi naging maganda ang natanggap na payo ni Pangulong Duterte kaugnay sa ICC na dapat lamang na si Roque ang magbigay ng payo rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *