Pagpapasara sa Boracay, irerekomenda ng inter-agency task force  

National News

Nagkasundo ang inter-agency task force na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang total closure ng isla ng Boracay sa loob ng ilang buwan.

Ito ay upang bigyang-daan ang rehabilitasyon at resolbahin ang isyu sa kapaligiran ng isla.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, kailangang isara ang Boracay sa loob ng anim na buwan o higit pa para ayusin ang problemang kinakaharap ng isla.

Ang joint task force ay binubuo ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ilalabas ng pamahalaan ang desisyon sa Boracay sa darating na Marso a-bente sais.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *