Queen Elizabeth II, pinahintulutan na ang Harry-Meghan wedding

Nagbigay ng kanyang pormal na pahintulot si Queen Elizabeth II sa kasal nina Prince Harry at Meghan Markle.

Sa inisyu ng deklarasyon ng British monarchy nakasaad na pinahintulutan nito ang kontrata ng matrimonya sa pagitan ng kanyang most dearly beloved grandson Prince Henry Charles Albert David of Wales at ni Rachel Meghan Markle.

Ikakasal si Prince Harry, na ikalima sa linya para sa British throne, at ang American actress sa Mayo 19 sa Windsor Castle.

Kasabay sa deklarasyon ay nilagdaan ng reyna ang instrument of consent, isang pormal na notisiya sa pagpahintulot na inisyu sa ilalim ng Great Seal of the Realm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *