Articles of Impeachment laban kay CJ Sereno, aprubado na

National News

Nagpasya na ang House Committee on Justice na iakyat sa botohan sa plenaryo ang Articles of Impeachment laban kay on-leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay matapos na makakuha ng 33 boto ang articles of impeachment sa House Committee on Justice.

Anim na Articles of Impeachment ang naaprubahan ng komite para sa plenary voting. Una rito ay ang culpable violation of the constitution and betrayal of public trust dahil sa isyu ng kanyang Statements of Assets Libalities and Networth or SALN.

Pangalawang article ang corruption dahil sa kwestyunableng Toyota land cruiser acquisition, isyu sa IT Consultant na si Helen Macasaet at ang magarbong hotel accomodation sa Shangrila Boracay.

Sa pangatlong article, ang collegial power ni Sereno ang kinuwestyon habang ang pagmanipula raw nito sa Judicial and Bar Council shortlist sa SC post ang nakasaad sa 4th article.

Sa nabangit na grounds, ang SALN raw ang pinakamalakas nilang basehan para matalsik sa puwesto si Sereno.

Samantala, ayon kay Atty. Josa Deinla, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, matagal na nilang inaasahan ang ganitong hakbang ng komite para idiin ang chief justice.

Katunayan, naging mabagal pa nga raw ang komite sa paghahanda sa Articles of Impeachment mula sa 27 verified complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon.

Sa Martes, ay iaakyat na ng komite ang draft articles of impeachment at ang committee report sa Committee on Rules, habang sa resume ng kongreso pa sa Mayo mapagbobotohan sa plenaryo ang Articles of Impeachment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *