Janet Lim-Napoles, hindi dapat bigyan ng proteksyon – Rep. Lagman

National News

Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na dapat litisin at hindi dapat bigyan ng proteksyon si Janet Lim-Napoles na umano’y utak sa sampung bilyong pisong anomalya sa Priority Development Assistance Fund.

Sinabi ni Lagman na dapat litisin sa kasong kriminal si Napoles sa halip na bigyan ng seguridad at benepisyo sa ilalim ng Witness Protection Program ng gobyerno.

Ayon kay lagman, diskwalipikado si Napoles sa WPP dahil ito ang utak sa PDAF scam at pinaka-guilty sa lahat ng akusado.

Maging si Senate President Koko Pimentel ay tutol din na isailalim sa WPP si Napoles dahil ito umano ang utak sa anomalya.

Aniya, malinaw sa batas na ang state witness ay walang gaanong kasalanan, at sa kaso ni Napoles, ito umano ang most guilty batay sa mga isinumiteng ebidensiya.

Dahil dito, pagpapaliwanagin ni Pimentel si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung bakit ikinu-konsiderang state witness si Napoles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *